Tuloy po kayo! Malugod ko po kayong inaanyayahan sa aking personal na pahina ng aming website. Dine ho la'ang ninyo makikikita ang aking nakalap na bagay-bagay. Sa tingin ko naman ay ikaliligaya ninyo ang pagbisita sa aking website, di ga? Nakakatuwang malaman kung sino ang bumibisita sa aking homepage kaya hinihingi ko ang inyong panahong lumagda.

Ang tawag sa akin sa bahay ay JonJon at sa aking mga kabatak naman ay Jami. Ang huli kong sukat sa aking sarili ay 174 cm. Ang aking kataw-an ay sobrang payat. Ako ay simpleng tao la'ang. Masaya naman ako, kayo ga? Mahilig ako sa rock music; punk, metal at iba pa. Talamak ang pirata sa Pilipinas pero kahit papa-ano ay mga original ang binibili ko tutal koleksyon naman eh. Open my Friendster profile: www.friendster.com/profiles/jami, lahat kayo ay pwede tumingin pero yung mga kakilala ko la'ang ang pwede ko i-add. MySpace: www.myspace.com/76987869. May blog din ako, para sa mas accurate na updates tungkol sa akin. Mir-on din akong mga bagay na malupet na pwede nyong i-download.


Ako po ay nakatira sa Pilipinas.

Ako po ay nag-aral sa J. Fabella Play Center Annex sa Manila noong nursery at kinder.

Ako po ay nag-prep at elementary sa Sto. Niño Formation and Science School sa Rosario, Batangas. Dine, ako ay teacher's enemy. Ang mga naging section ko ay Prep-St. Martha, I-Charity, II-St. Therese, III-St. Thomas, IV-St. Catherine, V-St. John, VI-St. Jude.

Sa De La Salle Lipa Unified School ako nag-high school. Naparatangan akong tahimik dito. Ang mga naging section ko ay first year: JB-23, second year: Y-205, third year: BB-43, at fourth year: BB-34. Ruby Batch kami nang gumradweyt.

 

My stuff

Are ang aking PC. Mahal na mahal ko ito. May playstation ako noong high school at ang paborito kong games noon ay Final Fantasy VIII at Metal Gear Solid.

Are naman ang aking Palm Pilot. Nakakatulong sa akin at tipid pa sa papel. Ito ang gamot sa aking pagiging makakalimutin.

Cellphone ko. Madalas itong walang load. Para sa mga long lost friends ko, ang cell no. ko ay yung dati pa rin. Hindi ko pinapalitan para walang gulo. SIM la'ang ang pinapalitan.

Ilan sa aking mga CD collections. Nasa pahiraman yung iba. Mahilig ako sa rock music. Ang kauna-unahan kong binili noong bata pa ako ay Introvoyz. Cassette tape pa lang 'yon.

Mga koleksiyon ko ng FHM. Hindi kumpleto pero marami-rami na rin. Mir-on din akong koleksiyon ng Funny Komiks noong ako ay bata pa.

Ang aking plake. I-click nyo na la'ang para medyo mabasa ninyo. Ang iba ko pang awards ay fourth honors noong kinder at perfect attendance noong elementary, yun lang. Pambihira naman!

Ang aking sapin sa paa. They're everywhere.
 

Features


Ang aking character sa Gunbound Philippines.


Ang aking lord knight, Jami|tao#1 ang character name Chaos server. March 2005 ako nagsimulang mag-Ragnarok. I-click nyo na la'ang para makita nyo nang maayos.


Ang aking sage, Jami|tao#2 ang character name Chaos server din.


Are naman ang aking blacksmith, Jami|tao#3 Chaos server pa rin.


Mahilig din ako sa Southpark. Isa ko pang paborito ay Dexter's Lab. Sa animé naman ay Hunter X Hunter at Slam Dunk.


Produktong Batangenyo, ang balisong. Pag tinusok sa piso, butas.